IYC 2017

15 05 2017

“Para magkaroon kayo ng katapangan at tatag sa pananampalataya magaral kayo ng Salita ng Dios. Kahit halimbawa, wala kayong pagnanasang maging manggagawa, magaral kayo ng Biblia, Be sure na bawat araw agawin ninyo doon sa inyong, titingin sa computer, pagtetext, umagaw kayo ng kalahati o isang oras, araw araw magbasa kayo ng biblia mga kabataan. Pwede ba yon? kasi minsan naglalaro kayo ng games inaabot kayo ng 3, 4 na oras o kaya nakikipagtext kayo, inaabot kayo 2 oras, 3 oras. Alisin ninyo yung isang oras maglagay kayo ng Application ng Biblia sa cellphone ninyo. Araw araw magbigay kayo kahit isang oras lang, parang panalangin nyo na yon ng pagtulong sa akin na magbasa kayo ng Biblia, pag nagbabasa kayo para nyong sinasabi sa isip nyo “Tinutulungan ko na si Bro Eli na maturuan kayo ng kabutihan.” 1 oras lang magbasa kayo ng biblia umpisahan nyo sa Bagong Tipan sa Mateo tapos balik kayo sa Genesis yun ang gawin ninyo mga kabataan baka sakali sa pagbabasa nyo ng Biblia makilos ang espiritu ng Dios, makilos kayo para magkaroon kayo ng hilig na magtanda at ipangaral yung Salita ng Dios at higit sa lahat wag nyong kakalimutan ang pananalangin bago matulog, pagkagising, bago kumain, bago magbyahe at ipanalangin ninyo ang inyong mga magulang, ang mga manggagawa, ang mga kapatid sa iglesia, Ipanalangin nyo kami tapos ay pagsikapan nyong makagawa ng mabuti bilang kabataan. Lahat ng naiintindihan nyong mabuti, pagsikapan nyong magawa at hindi kayo pababayaan ng Dios na masuong sa masasama, maging biktima ng masasama, maging biktima ng karahasan at higit sa lahat mga kapatid huwag kayong makakalimot na dumalo sa pagkakatipon, lagi kayong dumalo sa lahat ng pagkakatipon, pakikinabangan nyo yan. Samantalang bata pa kayo magisip kayong makapaglingkod sa Dios, magmahal sa magulang, gumalang. “Sapagka’t yon ang unang utos na may pangako.”

-Bro. Eli Soriano

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: