“Ang Pinaka-Healthy na Pagkaing Pinoy”

4 08 2016

DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong

ALAM n’yo ba kung ano ang 10 pinakamasustansyang pagkain na mabuti sa ating kalusugan? Alam n’yo ba kung ano ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao? Hindi ko na kayo pasasabikin, heto ang unang parte ng aking listahan.

  1. Maberdeng mga gulay – Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na kemikal. Kapag mahilig ka sa gulay, tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Tipid pa! Ang gulay ay maganda rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan, pag-iwas sa colon cancer at iba pang kanser.
  2. Matatabang isda – Ang mga oily na isda tulad ng salmon, tuna, mackerel at sardinas ay may Omega-3. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso, nagpapaiwas sa atake sa puso at istrok, at nagpapababa ng kolesterol sa katawan. Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. Ayon sa pagsusuri, ang Omega-3 supplements tulad ng Vitahart ay punumpuno ng healthy na Omega-3.
  3. Kamatis — Ang kamatis ay puno ng lycopene na tinatawag na anti-oxidants. Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato juice ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser.
  4. Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalan­dan — Masustansya ang mga prutas na ito dahil may Vitamin C. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.
  5. Carrots — May naniniwala na ang carrots ay pan­laban sa kanser. Ito rin ay may Vitamin A na mabuti sa ating mga mata. Isa pa, nakakapayat ito dahil 35 calories lang ang kalaha-ting tasa ng carrots. Kaya turuan natin ang ating mga anak na kumain ng carrots.
  6. Saging — Ito ang pi­na­ka-healthy na prutas para sa akin. Puwede itong ga­mot sa ulcer at panga­nga­sim ng sikmura. Ito’y dahil nata­tapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Mabuti rin ito sa mga nag­tatae.

Ang saging ay lunas din sa mga nanghihina at may cramps dahil marami itong postassium. Kung lagi kayong pawisin at gusto ni­yong lumakas, mag-saging ka. Nakita n’yo na ba si Ro­ger Federer, ang tanyag na tennis player? Kumakain siya ng saging sa gitna ng kanyang laban. Kailangan ni Federer ng lakas at sigla, at saging ang sagot.

Sa susunod, marami pang mga tips para sa mga heal­thy na pagkain.

 

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: