ANG MGA SIKRETO NG ALUGBATI

9 11 2015

11057837_870323719690104_5024616084038452726_n

 

ANG MGA SIKRETO NG ALUGBATI
SP/Segment Host: Pier Pastor
Resource Person: Jean Acero, Doctor of Alternative Medicine

  • Tinatawag na Malabar spinach o Indian spinach. Hindi naman talaga ito spinach pero magandang alternatibo.
  • Ang hindi alam ng marami, ang mismong “slime” o mala-laway na katas ng alugbati ay mayaman sa health benefits.
  • Ito ay natural na diuretic at laxative. Ibig sabihin, pinadadali ang paglabas ng dumi sa ating katawan.
  • Ang malapot na property ng alugbati, yung parang laway nga, at ang fiber na taglay nito ang makakatulong para mailabas ang toxins ng katawan
  • Mayaman sa folate na kailangan ng mga nagdadalang-tao para maiwasan ang ilang birth defects sa mga sanggol.
  • Ang folate na taglay ng alugbati ay makatutulong din sa mental at emotional health ng isang tao.
  • Nakare-relax ng isip, may calming effect, nakapagpapababa ng stress level.
  • Taglay din ng alugbati ang Vitamin A para sa mata at immune system, at iron na mainam para sa dugo.
  • Isa rin itong antioxidant na makatutulong sa pagre-repair ng cells ng ating katawan.
  • Sabi ni Doc Jean, “Ang 1 tasa ng alugbati ay sapat para sa Vitamin A na kailangan natin sa isang araw.”
  • Bukod sa pagkain ng alugbati, puwede ring dikdikin ang mga dahon nito para itapal sa may impeksiyon o pamamaga na gaya ng pigsa. May cooling effect at ang nutrients mula sa katas nito ay makatutulong sa mabilis na paggaling ng pigsa.
  • Para maengganyong kumain ng alugbati, lalo na ang mga bata, ihalo ito sa ginisang monggo o kaya’y pakuluan saglit ang ginayat na dahon at gawing salad.
  • Hindi namin kayo pinipilit na kumain ng alugbati pero bakit ka naman aayaw kung siksik, liglig at umaapaw ito sa nutrisyon? Choosy ka pa eh ito’y napakamura. Tiisin ang malapot na lasa. Makaka-move on ka rin diyan. Ang importante, lulusog ang katawan.

 

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: